241

Dec 19, 2017 @ 17:19

La Castellana inihahanda na sa posibleng pagsabog ng Mt. Kanlaon

Inihahanda na ng lokal na pamahalaan ng Negros Occidental ang bayan ng La Castellana sa posibleng pagsabog ng Mt. Kanlaon.

Nakipagkita na umano si Negros Occidental Provincial Disaster Management Program Division head Zeaphard Gerhart Caelian nitong Lunes kay Municipal Disaster Risk Reduction Management Council sa pangunguna ni Mayor Rhumyla Mangilimutan at sa ilang kapitan ng barangay sa 13 nayon nito, ayon sa SunStar.

Nananatili sa Alert Level 2 ang Mt. Kanlaon na nakapagtala na ng maraming beses na pag-alburoto.

Ayon pa kay Caelian, isasagawa nila ang paglilikas o evacuation plan sakaling umakyat sa Alerts Level 3 hanggang Level 5 ang kalagayan ng Mt. Kanlaon.

Lima sa 13 barangay ng La Castellana ay malapit sa four-kilometer danger zone at sa ilalim ng Alert Level 3, unang ililikas ang mga residente rito.

Dagdag pa ng opisyal, pinaghahanda nila ang La Castellana dahil malapit lang ito sa bulkan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?