67

Nov 22, 2021 @ 15:19
By

‘L3bron’ tinanggal na ng koponan

Tinanggal na ng Mobile Legends team na Bren Esports sa kanilang roster ang sikat na streamer na si Raven ‘L3bron’ Alonzo nitong Lunes.

Kinuha ng Bren si L3bron bago magsimula ang MPL season eight ngunit isang laro lang ito sumalang.

Hindi naging maganda ang takbo ng season eight para sa Bren kung saan ‘di man lang sila nakapasok sa playoffs.

Parte si L3bron ng mga orihinal na manlalaro ng MPL season one at nagtagal hanggang season three, bago sumabak sa pagiging streamer.

Sa kabila ng pagkawala ni L3bron ay buo pa rin ang main five ng Bren na sina Karltzy, Flaptzy, Lusty, Ribo at Pheww.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?