34

Mar 2, 2021 @ 19:15
By

KZ Tandingan kakanta ng Pinoy song sa Disney movie

Sa unang pagkakataon ay maririnig sa lengguwaheng Pilipino ang theme song ng bagong Disney movie.

Maririnig ang boses ni KZ Tandingan sa kantang “Gabay” sa Disney movie na “Raya and The Last Dragon”.

Inspired ng Southeast Asian culture ang “Raya and The Last Dragon”.

Ito ang new epic adventure mula sa Walt Disney Animation Studios, na mga nasa likod ng top-grossing films na “Moana” at “Frozen”.

Isinalarawan ang “Gabay” na tungkol sa pagtitiwala, lakas at pagkakaisa, na ilalabas sa March 5 sa Spotify.

March 5 din magiging available sa ilang sinehan at Disney+ ang “Raya and The Last Dragon”.

Maglalabas din ng music video nito sa mga social media page ng Disney Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?