78

By

Kyrie mas nakatutok kay ‘Uncle Drew’

Sharing is caring!

Balewala kay Boston Celtics star Kyrie Irving ang NBA 2018 free agency.

Nakapokus ngayon si Irving sa pagpapagaling ng kanyang tuhod.

Matatandaang nagtamo ng infection ang kanyang tuhod dahilan para sumailalim ng surgery si Irving at mamahinga sa basketball.

Ilang linggo na lamang ang hinihintay ni Irving at tuluyan nang gagaling ang kanyang tuhod at magbabalik basketball court na rin ang Boston Celtics All-Star.

Isa pa sa pinagkakaabalahan ni Irving ay ang promotion ng kanyang movie na ‘Uncle Drew’.

Tungkol ito sa isang basketball legend na nagsimula lamang sa streetball tournament hanggang sa sumikat na ito.

Mapapanood nationwide ang Uncle Drew sa Biyernes, June 29.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?