Kyrie Irving bali ang ilong sa panalo sa Boston

Sharing is caring!

Sabay na humahaba ang injury list at winning streak ng Boston.

Nadagdag si Kyrie Irving sa injured, dumugo ang ilong nang masiko sa mukha bago naitawid ng Boston ang 90-87 win laban sa Charlotee Hornets Biyernes ng gabi. Siko ng kakampi pa ang tumama kay Irving.

Pinahaba ng Celtics ang sunod-sunod na panalo sa 11 matapos matalo sa unang dala­wang laro ng season.

Nagsumite ng 16 points si Jayson Tatum, may 16 din off the bench si Shane Larkin sa Boston, naiwan ng 12 pagkatapos ng three pero nagkasa ng 16-3 run sa bukana ng fourth para agawin ang manibela at hindi na bumitaw.

Inilabas si Irving sa first quarter lang at hindi na bumalik, napahaba ang pla­ying minutes ni Terry Rozier na rumesponde ng 15 points, seven rebounds at four assists. Nagdagdag pa si Jaylen Brown ng 10 points at 13 rebounds.

Pababa si Celtics cen­ter Aron Baynes sa isang rebound play, tumama ang siko niya kay Irving.

Bagsak si Irving, dumudugo ang ilong at ineskortan papuntang locker room. Imo-mo­nitor siya sa posibleng sintomas ng pamamaga o bukol (concussion).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?