151

By

Kyline, busy na sa rehearsals para sa kanyang first major concert

Sharing is caring!

Nakatanggap ng isang sequins black boots ang La Nueva Kontrabida na si Kyline Alcantara sa iniidolo niyang si Marian Rivera last Sunday, August 5 pagkatapos ng “Sunday PinaSaya.”

Kilig na kilig si Kai (tawag sa kanya) habang ipinapakita sa amin ang nakabalot pang regalo sa kanya ng Kapuso Primetime Queen.

“Gamitin ko raw sa concert ko,” kuwento ni Kai na naghahanda na sa kanyang “Kyline Take FL16HT” sa SM North Skydome sa September 8, limang araw after she turned 16 on September 3, at produced ito ng GMA Record at CCC Productions at ihahatid ito ng Simply G, Dickies Women, Skeen Clinic at Voice Camp Philippines.

“Nakatutuwa si Ate Yan. Ipinagtanong pa talaga niya sa aking stylist ‘yung size ng shoes ko. Akala rin kasi niya, tonight na ‘yung concert ko. Ang sweet-sweet niya.”

Unang nagkakilala sina Marian at Kyline sa set ng “SPS” sa GMA Network. Unang guesting ito ng aktres at hindi pa siya regular sa top-rating Sunday show ng Kapuso.

From then on, naging magaan na ang loob ni Marian kay Kyline. Lalong minahal ng misis ni Dingdong Dantes ang Bicolana star nang regaluhan siya nito ng boquet of flowers nu’ng Mother’s Day na pinost pa ni Yan sa kanyang IG stories.

“Ang bait-bait ni Ate Yan,” tanging nasabit ng 15-year old kontrabida.

Sa ngayon, busy na si Kai sa rehearsals ng kanyang first major concert. Natapos na rin niya ang recording ng first album niya under GMA Records na isasabay ang release sa araw ng concert niya sa Skydome.

“Excited na akong kantahan ang aking minamahal na sunflowers (tawag niya sa kanyang mga tagahanga),” say ng dalaga.

After her concert, pahinga sandali si Kyline at pagbalik niya, may panibagong project siyang gagawin sa kanyang home network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?