155

By

Kyline Alcantara, kinilig nang makaharap si Maine Mendoza sa Broadway

Sharing is caring!

Palalagpasin ba ng isang umiidolo at humahanga kay Maine Mendoza na walang selfie o solo picture sa Phenomenal Star ng “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc. at GMA Network?

Kinilig ang tinaguriang La Nueva Kontrabida na si Kyline Alcantara nang makaharap si Maine sa Broadway Studio ng longest-running noontime show nu’ng Sabado ng hapon, September 1.

“Hindi pa po ba halata? Hahaha. Ang saya-saya ko. Kasi kahit nu’ng nasa kabila pa ako, napapanood ko na po siya. Tapos nasubaybayan ko rin po ‘yung panahong hindi pa sila naghahakawan ni Alden (Richards, other half ng Aldub at bida ng primetime show na “Victor Magtanggol” ng Kapuso Network)- kahit alam ko namang siguro behind the scene- nagkahawakan na or nagbeso-beso na, pero talagang andu’n pa rin ako, nakatutok sa TV,” simulang kuwento ni Kai sa amin.

Dagdag kuwento ng Bicolana actress, “I’m just so happy na nagkasama kami sa ‘Bulaga’ kasi isa po siya sa mga prime artist ng GMA. I’m just so happy na na-meet ko siya. She’s very humble and down-to-earth.”

“Kinilig po ako. Pero siyempre, hindi po ako nagpahalata. Nagpa-picture ako, aba, Maine Mendoza ‘to. Kaya tuwang-tuwa ako,” lahad pa ng 16-year old star.

“Nahiya po ako. Kasi napakatahimik niya. Ganu’n kasi siya sa totoong buhay. Kung sa TV parang ang jolly-jolly niya pero sa totoong buhay, tahimik lang siya. Ako na ‘yung nahiya,” sambit pa ni Kai sa amin.

In-full swing na ang rehearsals ng aktres para sa nalalapit niyang first solo concert aptly titled “Kyline Take FL16HT” na magaganap sa Skydome SM North sa Setyembre 8.

Apat na Kapuso hunks ang makakasama ni Kyline sa kanyang concert. Sila’y sina Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, James Wright at Jeric Gonzales.

“Kyline Take FL16HT” is produced by GMA Records and CCC Productions, mula ito sa direksyon ni Malvin Caldito at Soc Mina bilang musical director.

Ang major sponsors ng concert ay kinabibilangan ng Dickies Women, Symply G, Skeen Face & Body Anti-Aging Centre & Voice Camp Philippines (Dr. Richard Sarmiento), at Barangay LS 97.1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?