742

Oct 20, 2018 @ 21:57
By

Kyline Alcantara humahataw ang career!

Kaliwa’t kanan ang natatanggap na blessings ngayon ng Kapuso teen star na si Kyline Alcantara.

After ng TV series na ‘Kambal Karibal’ na pinagbidahan nila nina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, at iba pa, may kasunod agad siyang project sa GMA7, ang ‘Studio 7’. Napapanood din siya sa ‘Sunday PinaSaya’.

Ang balita namin, agad umariba sa ratings game ang pilot episode ng Studio 7 last Sunday. At sa second episode raw nito ay mas matitindi pa ang hatid na pasabog na mapapanood sa naturang programa.

After manalo ni Kyline sa 32nd Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC) last October 14, nanalo rin siya recently ng bagong acting award, ang Best Actress in a Supporting Role sa first Asian Academy Creative Awards (AAAs) via Kambal Karibal mula GMA Network.

Kaya nagdiwang nang husto ang sandamakmak na fans ni Kyline sa mga parangal sa kanilang idolo.

Si Kyline ay isa ring product endorser at nag-release ng kanyang self-titled album album. Naging matagumpay ang kanyang concert sa Sky Dome at kamakailan ay ni-release rin ang music video ng carrier single nito na ‘Fake Love’ kaya walang dudang isa si Kyline sa hottest young stars ng bansa ngayon na kinaiinggitan ang husay at popularidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?