59

Oct 20, 2021 @ 12:05
By

Kylie Verzosa nadawit sa hiwalayang Padilla-Abrenica: Ibang Kylie po yun

Maging si Kylie Verzosa ay naipit sa away mag-asawa nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Hindi dahil third party ang modelo, ngunit napagkamalan kasi na siya ang “Kylie” na pinagbibintangan ni Aljur na cheater umano.

Makikita sa isang screenshot ang pag-message sa kanya ni Senyora at pinagpapaliwanag sa kabalustagamg ginawa nito kay Aljur.


“Hoy Kylie sabihin mo raw samin!” ani Senyora.

“Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko?” tugon naman ni Kylie.


Nito lamang Martes ng gabi gumawa ng ingay si Aljur sa online world matapos hamunin ang kanyang misis na sabihin sa publiko kung sino ang unang nagtaksil sa kanilang dalawang mag-asawa.

https://www.facebook.com/100044223409626/posts/430772911740152/

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/pasabog-ni-aljur-kylie-unang-nagtaksil/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?