63
abante-tnt-vismin-kylie-versoza
By

Kylie Verzosa ila-launch bilang “Osyana”

Sharing is caring!

ANG 2016 Miss International-turned-actress na si Kylie Verzosa ay magiging bida na sa isang pelikula.

Isang superhero ang magiging role niya. Ini-announce kamakailan sa History Convention ang title ng magiging movie ng former beauty queen, ang Osyana na likha ng Epik Studios.

Ani Kylie, dream role niya ang maging superhero. “Ako si ‘Osyana,’ isa siyang Badjao woman from the south, very Pinoy ang character. First woman lead character by Epik Studios.”

Hindi akalain ni Kylie na may magtitiwala sa kanya na ipag-produce ng isang movie na siya ang lead star.

Todo ang workshop ng former beauty queen para hindi raw siya mapahiya sa producer.

Nu’ng una ay medyo nangangapa pa si Kylie sa larangan ng showbiz. Malaki raw kasi ang pagkakaiba ng showbiz at ng beauty pageant. Pero nang tumagal ay nakapag-adjust na rin daw siya.

Sisimulan ng Epik Studios ang paggiling ng kamera para sa Osyana sa susunod na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?