330

Dec 17, 2017 @ 14:27
By

Kylie Versoza di pa handang magpa-sexy sa pelikula

Hindi pa nga showbiz si Kylie Versoza dahil ni-reveal na niya agad sa interview ng press sa kanya matapos ang press preview ng movie nilang “Ang Panday” nong huwebes nang hapon, sinabi nitong daya lang ang kissing scene nila ni Coco Martin sa movie.

Isang diwata sa waterfalls ang role ni Kylie. Napaglaruan ng mga duwende si Coco kaya pinapangit ang mukha nito.

Naawa si Kylie kaya hinalikan nito si Coco para bumalik sa dati ang kanyang itsura.

Long shot ang pagkakakuha sa kissing scene at parang silhouette lang ito lumabas. Dahil magaling ang camera angling aakalain mong nagtama ang labi nina Kylie at Coco.

Sabi ni Kylie, hindi raw nagtama ang lips nila sa isa’t-isa ni Coco. Hindi pa raw handa si Kylie sa ganitong intimate scene lalo’t first movie niya at baguhan pa lang siya sa industry.

Bilang isang beauty queen na rumampa na nang naka-bikini sa Miss International, kung saan siya ang nanalo nong 2016, aasahan mong palaban sa sexy si Kylie. Ang totoo conservative pala ito.

Hindi pa raw bukas ang isip niya sa posilibidad na magpapa-sexy si Kylie sa movie. Kahit raw ang mag-two piece bathing ay hindi nya kaya.

Paliwanag niya, nong nag-post sya nang naka-bikini at halos kita na ang kalahati ng kanyang puwet, pinilit lang raw sya nang friend nya.

Kung sya raw ang masusunod hindi raw siya magpu-pose ng ganon dahil may pagka-conservative siya.

Hanggang sa ramp lang at fashion pictorial puwedeng mag-bathing suit si Kylie na one piece pa.

Hindi nya isinasara ang posibilidad na mag-bathing suit sa pelikula o serye ngayong magtutuluy-tuloy na sya sa acting, wala pa lang siyang lakas nang loob.

Itinanggi ni Kylie na may boyfriend siyang nagbabawal sa kanyang magpa-sexy o mag-bathing suit.

Wala raw siyang boyfriend. Hanggang dating-in lang raw siya sa kasalukuyan. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?