kylie-travis
By

Kylie, Travis mega rampa sa Met Gala

Sharing is caring!

First public appearance ni Kylie Jenner at ng kanyang baby daddy na si Travis Scott ang Met Gala 2018.

Ito ang unang pagkakataon na makita ng media na magkasama sa isang malaking event sina Kylie at Travis. Ito naman ang unang public event ni Kylie after ng ilang buwan na manganak sa baby nila ni Travis na si Stormi.

Magka-holding hands pa sina Kylie at Travis habang naglalakad sila sa red carpet sa Met Gala.

Nasa New York si Kylie para asikasuhin ang kanyang make-up brand na ibebenta sa isang kilalang NYC department store.

Ito ang ikatlong beses na dumalo ni Kylie sa Met Gala. Last year ay suot nito ang sheer Versace dress with matching bob-cut blonde wig.

‘Yun ang naging last appearance niya in public dahil nabuntis na siya.

Ngayon ay proud siyang makasama ang baby daddy niya na si Travis sa unang paglabas niya ulit sa isang malaking fashion event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?