26

Oct 14, 2021 @ 11:19
By

Kylie ‘sinikmura’ girl love series nila ni Andrea

Ibinunyag ni Kylie Padilla ang pinaka challenging part sa pagganap niya sa girls’ love (GL) series nila ni Andrea Torres.

Anang aktres, ang mawalay sa mga dyunakis niya na sina Axl at Alas ang pinakamahirap na naranasan niya habang ginagawa ang natruang palabas.

“It was really hard to let go of my kids pero parang sabi ko nga sa sarili ko if I have to accept a project it has to be worth the time away from them and the risk,” ani Kylie.

“Kasi every time you have to go out there’s a risk eh,” dagdag pa niya.

Paniniwala ni Kylie, “worth it” naman daw ang “BetCin” at na-enjoy niya ang pagganap dito bilang si ‘Beth.’

“[It] is so worth it and I knew it di pa kami nag-sa-start alam ko eh, alam ko na maeenjoy ko ‘to.”

Mapapanood ang naturang palabas sa October 18 sa We TV Philippines. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?