6,775

Oct 19, 2021 @ 21:59
By

Kylie rumesbak sa pasabog ni Aljur

Ilang oras matapos ang pasabog ni Aljur Abrenica tungkol sa kung sino ang unang nangaliwa sa kanila ni Kylie Padilla at sumira sa kanilang pamilya ay rumesbak ng isang quote ang aktres.

Sa kanyang Instagram Story ngayong October 19, nagbahagi si Kylie ng quote kung saan mababasa ang mga salitang, “Never underestimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistakes.”

Ito ay matapos ang Facebook post ni Aljur kung saan nakiusap siya kay Kylie na sabihin ang totoo.

“Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family,” bahagi ng post ng aktor.

“Tell them who cheated first. Tell them who are you with right now. Have the courage to settle this,” dagdag niya.


Naging mainit ang usapin sa hiwalayan nina Aljur at Kylie matapos mapaamin ang sexy actress na si AJ Raval na nililigawan siya ng una.

Noong December 2018 ikinasal sina Kylie at Aljur.

May dalawa na silang supling – sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?