1,327

Oct 22, 2021 @ 11:35
By

Kylie pinagdiskitahan si Cristy Fermin: Grow up! Losyang ka na

Natikman ni Cristy Fermin ang bagsik ni ‘Reyna Amihan’ Kylie Padilla ngayong Biyernes ng umaga.

Isa kasing pag-aamok ang bumungad sa kolumnista matapos mag-status ni Kylie ng direktang mensahe sa kanya.

“Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin mag salita ako tungkol sainyo,” pahayag ng aktres.

“Nag titimpi ako para sa mga anak ko. Tignan nyo mga mali nyo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP. Ang tatanda nyo na,” pagpapatuloy niya.

https://www.facebook.com/MyBabiPH/posts/633535184679256

“At sana kung sisiraan nyo ako totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili nyo.”

Kaugnay ang bira ng aktres matapos siyang iintriga ni Fermin na madalas umano siyang may katawagan sa telepono noong nasa iisang bubong pa sila ng kanyang mister na si Aljur Abrenica.

“Kahit na madaling-araw, [m]eron siyang kausap sa phone, bumababa siya. Kahit sa kusina,” pagbubunyag ni Fermin.

“Natural, hindi naman patay na lokohan si Aljur, ‘di ba? Lalaki ‘yan. Kung ang babae po ay malakas ang pakiramdam, ang tunog naman po ng lalaki, matibay,” dugtong pa niya.

Kasalukuyang burado na ang naturang status ni Kylie. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?