16
ABANTE kylie padilla tababoy
By

Kylie Padilla nilait sa socmed, tinawag na tababoy

Sharing is caring!

HINIHINTAY na pala ng GMA 7 na makapagpapayat si Kylie Padilla at bibigyan na siya ng bagong series. Sa ngayon, ayaw pa ni Kylie dahil medyo malaki pa siya after niyang makapanganak sa baby nila ni Aljur Abrenica.

May isang nagtsika nga pala sa amin na naapektuhan, naluha raw si Kylie sa comment ng isang follower niya sa social media na mataba siya o tababoy. Dahil sa comment na ‘yon, gusto raw muna ni Kylie na pumayat na talaga siya bago tumanggap ng bagong series sa Kapuso network.

Wala rin kasing pakundangan ang ibang netizens na laitin ang mga artista. Kaloka sila.

Nakita nga pala ng isang kakilala namin na magkakasama sina Kylie, Aljur at ang kanilang baby sa isang mall sa may New Manila the other day. (Jun Lalin)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?