137

Oct 7, 2021 @ 17:40
By

Kylie naiyak sa ‘here for you always’ ni Andrea

Naiyak si Kylie Padilla sa message of support ng leading lady niyang si Andrea Torres.

“Love you always!!! Here for you always. Kahit tapos na ang BetCin,” mensahe ni Andrea kay Kylie.

Reply ni Kylie, “Love you!!! Thank you Ada. Naiyak akoooo bakit mo ako pinapaiyak!!! Salamat talaga for this. It means everything.”

Ipinost ni Kylie ang screenshot ng message thread nila ni Andrea sa Instagram.

“I learned so much from this woman. I’m happy you were my first leading lady. Cheers to more projects with you! Another strong beautiful lady I’m blessed to have worked with,” sey pa ni Kylie.

“Huhu!!! Ako din pinapaiyak mo dito! That instant chemistry means something talaga! Hehehe. You’re precious. Di ako magsasawang sabihin sayong I love you, I’m always here for you, I miss you and I’m proud of you! Beautiful soul!!!!!” sagot naman ni Andrea.

https://www.instagram.com/p/CUrlf0eBRCj/

Nagkasama sina Kylie at Andrea sa series na “BetCin”.

Ang post ni Kylie ay matapos aminin ni AJ Raval ang panliligaw sa kanya ng estranged husband ng una na si Aljur Abrenica. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?