202

Jul 8, 2021 @ 20:25
By

Kylie nagsalita sa hiwalayan kay Aljur

Nagsalita na si Kylie Padilla tungkol sa paghihiwalay nila ng asawang si Aljur Abrenica.

Matatandaang sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, kinumpirma ng ama ni Kylie na si actor Robin Padilla na hiwalay na ang dalawa.

Sinabi ni Robin na pangangaliwa ni Aljur o third party ang dahilan ng hiwalayan.

Sa “24 Oras” report nitong July 8, sinabi ni Kylie na, “Every family goes through a lot of challenges and sometimes we think that it is only the couple that goes through the ordeal. We forget the kids and people that are involved.”

Sabi pa ng aktres, dumaan ang pamilya nila sa proseso ng recovering, healing at moving on sa nakalipas na ilang buwan kaya hiling niya ay respeto sa naging desisyon nilang mag-asawa.

“All we need right now is respect—first and foremost on the decisions we have made as a family and respect for each and every member of our family—to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl who are at this point very fragile, and to our families from both sides who have guided us along the way,” lahad pa niya.

Sa ngayon ay nagkasundo sila ni Aljur ng co-parenting setup para sa anak nilang sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

“We pray and hope that we will become better persons through this experience and will bring out the best in all of us. Thank you for your love and support,” pagtatapos niya.

Taong 2011 nang aminin nina Kylie at Aljur na exclusively dating sila pero taong 2014 ay naghiwalay sila.

Makalipas ang dalawang taon ay nagkabalikan sila at kasunod na noon ang kanilang engagement taong 2017.

Nagpakasal sila noong Disyembre 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?