49

Oct 26, 2021 @ 15:43
By

Kylie nagsalita na sa kinasangkutang insidente ni Jake

Nagbigay na ng komento si Kylie Verzosa kaugnay sa kinasangkutang insidente ng kanyang boryfriend na si Jake Cuenca matapos makipaghabluan sa kapulisan nitong unang linggo ng Oktubre.

Anang beauty queen, lubos siyang nag-alala para kay Jake lalo pa’t wala rin siya noon sa Metro Manila dahil sa shooting niya ng isang pelikula.

“Sobrang nalungkot ako sa nangyari at that time,” ani Kylie sa ABS-CBN News.

“I was in Mindoro and we were shooting ‘Sisid.’ Hindi ako nakatulog after I learned what happened to Jake.

I was so worried about Jake. Parang nawala din ako sa sarili ko. It took time for me to know the real story. I felt bad for all the parties involved. Very unfortunate event lang talaga,” pagpapatuloy niya.

Matatandaang napabalitang hinabol ng kapulisan ang Jeep Wrangler ni Jake sa kahabaan ng Barangay Barangka Ibaba, Mandaluyong City.

Tinakbuhan daw kasi ng aktor ang nabundol niyang tsikot ng kapulisan.

Sa kasagsagan ng kanilang habulan, nabril naman ang isang delivery rider matapos aksidenteng mapaputukan ng kapulisan.

Ani Kylie, nasa recovery stage na ang kanyang nobyo.

“All parties are healing with that situation,” aniya.

“Magkausap kami ni Jake when that happened.”

“Every hour, I was calling him up and happy ako that he was taking the call every time. Very responsive siya sa akin whenever I would check up on him. Fully supportive ako talaga. I know he will get through this,” dagdag pa niya. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?