20

Oct 12, 2021 @ 16:25

Kylie may wish kay Aljur: ‘Maging masaya siya’

Sa huli, kasiyahan pa rin ng kanyang dating asawa na si Aljur Abrenica ang hiling ni Kylie Padilla.

Tinanong ng PEP si Kylie kaugnay ng balitang nagkakamabutihan na ang aktor at ang young sexy actress na si AJ Raval.

“Alam niyo, gusto ko lang maging masaya siya sa buhay niya, kasi siya pa rin ang tatay ng mga anak ko. Kahati ko siya sa pagpapalaki sa kanila,” tugon ni Kylie.

Ayon kay Kylie, gusto niyang maramdaman ng kanilang dalawang anak na masaya na si Aljur sa bago nitong buhay.

“Kung nararamdaman ng mga anak ko na hindi masaya yung tatay nila, aba, hindi ko gusto yun.Gusto ko maramdaman nila na happy yung tatay nila,” aniya.

“Kasi failure namin as parents ‘yung nangyari, so kailangan na namin bumawi in some other way. Kailangan namang masaya in our own separate way,” dugtong pa niya.

Kamakailan ay umamin si AJ na nililigawan siya ni Aljur at naispatan pa silang magkasama sa isang mall.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?