108
IS
Feb 20, 2019 @ 14:13
By

Kylie, Kardashian family na-shock sa pagtatraydor ni Jordyn

Hindi na ikinagulat ng iba na malaman ang pagtataksil ni Tristan Thompson pero ang nakapagpa-shock sa mga ito ay malapit kay Kylie Jenner ang mistress ng basketbolista.

Trinaydor umano si Jenner ng best friend pa man din niyang si Jordyn Woods nang makipaglandian ito sa dating boyfriend ni Khloe Kardashian na si Thompson.

Ayon sa source ng E! News, buong Kardashian family ay ibinasura na si Woods.

Nahihirapan umano si Kylie na putulin ang ugnayan kay Woods dahil, “in denial” pa umano ito sa ginawa ng kanyang matalik na kaibigan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?