31

Aug 22, 2021 @ 12:42
By

Kylie Jenner tesbun nanaman?

Mukhang buntis nanaman si socialite at young billionaire Kylie Jenner.

Ito ay matapos kumalat ang tsismis mula sa sources na nagdadalang-tao muli ang 24 anyos na modelo sa ikalawang pagkakataon kay American rapper Travis Scott.

Kasalukuyang wala pa namang kumpirmasyong inilalabas ang dalawa.

Matatandaang itinago ni Kylie ang pagbubuntis niya noon kay Stormi na siyang 3 anyos na ngayon.

Laking gulat na lang ng taumbayan na may junakis na pala siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: