68
abante-tnt-vismin-kylie
Aug 16, 2018 @ 19:49
By

Kylie Jenner nakakalula ang mga Hermes bag collection

Ininggit ng reality star/makeup mogul na si Kylie Jenner ang kanyang 113.3 million followers sa Instagram nang i-post nito sa kanyang YouTube channel ang kanyang purse closet na naglalaman ng mga mamahaling collection niya of 23 Hermes bags at vintage Prada and Louis Vuitton x Supreme collaborations.

Nasabi pa ni Kylie na kung sakaling magkaroon ng sunog sa kanyang bahay, ang unang isasalba niya ay ang kanyang Hermes bag collection, lalo na ang kanyang crocodile Hermes Birkin na isang malaking investment.

Pinakita rin ng young billionaire ang mini pink Birkin na niregalo sa kanya noon ng sister niyang si Kourtney Kardashian dahil ipapamana raw niya ito sa kanyang 6-month-old baby girl na si Stormi Webster bilang unang expensive purse nito. Nagkakahalaga ito between $19,000 to $21,000.

“Kourtney gave me this, which I think is super cute.

“I was really surprised because I feel like Kourtney never really cares about Christmas gifts, so when she gave me this last year it was really special.

“This one I’m definitely going to let Stormi wear probably when she says, ‘Mommy I want to carry a purse.’” tawa pa ni Kylie.

Marami pa raw siyang ipapamana kay Stormi tulad ng mga mini Louis Vuitton and Prada bags na regalo naman ng kanyang inang si Kris Jenner.

Isa sa special bags niya ay regalo ni Kim Kardashian na isang Judith Lieber lipstick handbag. Niregalo raw ito ni Kim noong maging big success ang makeup line niyang Kylie Cosmetics.

Ang naturang makeup line ay may estimated value na $900 million ayon sa Forbes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?