93

Jan 15, 2019 @ 13:45
By

Kylie Jenner kinabog ng isang itlog

Tinalo ng isang brown na itlog ang social media star at makeup mogul Kylie Jenner sa world record ng pinakamaraming like na post sa instagram.

Ang litrato ng kamay ni Kylie at ng kaniyang noong ika-6 ng Pebrero noong nakaraang taon ay umani ng mahigit 18 million samantalang ang itlog naman na ipinost noong nakaraang 10 araw ay mayroon ng 29.9 million na likes.

View this post on Instagram

stormi webster ??

A post shared by Kylie (@kyliejenner) on


Ayon sa isang account na ‘world_record_egg’, ang nagmamay-ari ng litrato ng itlog, ang layunin lamang ng itlog ay ang matalo ang world record na hawak ni Kylie.


Bilang tugon naman ni Kylie sa itlog, nagpost siya ng isang video kung saan nagbiyak siya ng itlog.

View this post on Instagram

Take that little egg

A post shared by Kylie (@kyliejenner) on

Isang misteryo pa rin kung sino ang indibidwal sa likod ng account ngunit nagbigay siya ng pahayag sa AFP na nakatira sila sa London.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?