63

May 30, 2020 @ 12:06
By

Kylie Jenner ampaw sa pagkabilyonaryo

Matinding mga paratang ang pinakawalan ng Forbes laban sa tinuturing na self-made ‘billionaire’ na si Kylie Jenner.

Sa report ng Forbes, kanilang kinuwestiyon ang kita ng cosmetic line ni Jenner na Kylie Cosmetics – na sa isang taon ay tila imposibleng maabot umano ang $300 million sales matapos itong i-launch noong 2015.

Naging instant bilyonaryo umano si Jenner ng kanyang mabenta ang 51-percent ng kanyang cosmetic brand sa beauty giant na Coty – ang nasabing deal ayon sa mga eksperto ay nagkakahalaga ng $1.2 billion para kay Jenner para maging pinakabatang bilyonaryo sa edad na 21.

Nang bilhin ng Coty ang lampas kalahati ng Kylie Cosmetics ay dito na umano tumambad ang pagsisinungaling ni Jenner sa kita ng kanyang kompanya.

Taong 2018 ay kumita lamang umano ang cosmetic brand ng $125 million, malayo sa pinaniwala ng Kylie Cosmetics sa Forbes na umabot umano sa $360 million ang revenue ni Jenner.

Dito na nagsimulang kuwestiyunin ang tunay na halaga ng Kylie Cosmetics dahil imposible umano na umabot sa $307 million ang revenue noong 2016, $330 million naman noong 2017 kung ganoon lamang ang kanilang revenue noong 2018.

Isa lang ang naiisip na dahilan ng Forbes at ‘yon ay ang posibleng pagdoktor ni Jenner sa kanilang tax return para mapataas ang kanilang net worth dahil imposible umanong bumagsak ng kalahati ang kanilang negosyo sa loob lamang ng isang taon.

Sumagot naman si Kylie sa kanyang social media account at pinabulaanan ang paratang ng Forbes na siya’y sinungaling.

“What am i even waking up to. i thought this was a reputable site.. all i see are a number of inaccurate statements and unproven assumptions lol. i’ve never asked for any title or tried to lie my way there EVER. period,” giit ni Jenner.

““Even creating tax returns that were likely forged” that’s your proof? so you just THOUGHT they were forged? like actually what am i reading,” aniya pa.

Sa ngayon ay keber si Jenner sa paratang ng Forbes dahil mas marami umano siyang magagawa kaysa isipin kung gaano karami ang kanyang pera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?