60

Oct 25, 2021 @ 14:40
By

Kylie itinanggi pagtataksil kay Aljur: Busy ako magpasuso

“Paano ako magkakaroon ng oras? I was breastfeeding my second [son]. Paano ako aalis?” – ito ang naging tugon ni Kylie Padilla kaugnay sa paratang sa kanya ng mister niyang si Aljur Abrenica na siya umano ang unang nagtaksil dahilan para mawatak ang kanilang pamilya.

“I am angry kasi I am raising my children. [The public] don’t see that. Sobrang unfair,” ani Kylie sa panayam niya kay Jessica Soho.

“Pero you have to be strong in our society din. Kung hahayaan kong maapektuhan ako sa mga sinasabi nila, hindi ko mapapalaki yung mga anak kong sane ako. Ayaw kong makita nila yun. Kaya gaya ng sinabi ko kanina, humuhugot talaga ako sa kanila. Kailangan makita nila na ‘Kung kaya ng mom ko, kaya ko rin,” pagpapatuloy niya.

Matatandaan nito lamang nakaraang linggo nang mag-post si Aljur sa kanyang Facebook ng kanyang pasabog tungkol sa hiwalayan nilang mag-asawa.

“Kylie please tell them the truth. Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family,” anang aktor sa burado niyang post.

“Tell them who cheated first. Tell them who are you with right now. Have the courage to settle this. Tell your dad the truth. If not for them do it for our children.” (VA)

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/pasabog-ni-aljur-kylie-unang-nagtaksil/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?