893

Jan 14, 2022 @ 19:35
By

Kylie, Hidilyn patikim ni Ruru

Umalagwa sa Twitter ang pangalang Ruru Madrid nitong Biyernes.

Excited na kasi ang mga fan niya sa kanyang bagong vlog series na “What RU made of?”

“I just wanted to show the world kung sino talaga ako, totoo na ako. ‘Yun ‘yung goal nitong YouTube (channel),” aniya.

Makikipag-collaborate raw siya sa ibang artist na makakapagbigay ng inspiration.

Sabi pa ng “Lolong” actor, unang guest niya ang nakasama sa maraming projects na si Kylie Padilla, na aniya’y “perfect guest” sa kanyang pilot episode dahil kahit humarap sa maraming pagsubok ang aktres ay hindi nito hinayaan ma-stuck dito.

Mukbang style raw ang magiging vlog niya kasama si Kylie.

Isa pang guest niya ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.

“Sa amin ni Hidilyn, magwo-work out kami habang nagtatanong ako sa kanya ano struggles nila,” sambit ng aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?