204

Jun 15, 2018 @ 22:24
By

Kylie handa nang makipagbakbakan

Eentra na pala si Kylie Padilla sa Kapuso primetime series na ‘The Cure’.

May pinost na silhouette pic si Kylie sa IG na naglalakad siya sa isang mausok na area at tila handa siyang makipagbakbakan.

May short teaser din siyang pinost at astig ang dating ng karakter niya, na bagay kay Kylie dahil nag-aaksyon talaga siya.

Masayang nag-comment ang ilang Kapuso stars na wine-welcome back si Kylie. Na-excite din si Mariel Rodriguez.

Mukhang balik-trabaho na talaga si Kylie. 10 months na rin kasi ang anak nila ni Aljur Abrenica na si Alas Joaquin na habang tumatagal ay lalong kumukyut.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?