By

Kylie, emotional nang kargahin ni Robin si Baby Alas

Sharing is caring!

Nagkaroon ang katuparan ang isa sa mga matagal nang dalangin ni Kylie Padilla ang magkita sila nang personal ng ama niyang si Robin Padilla, at ang masilayan nito ang apo niyang si Alas.

Hindi talaga napigilan ni Kylie ang sariling umiyak at maging emosyonal sa pagkikita nilang tatlo na nangyari at natupad sa 1st birthday ng kanyang half-sister na si Maria Isabella, anak ni Robin kay Mariel Rodriguez-Padilla.

Nakapost mismo sa Instagram ni Robin ang pagkikita nila ni Kylie at ang apo na anak ni Aljur Abrenica.

Nasa short video na karga-karga ni Kylie ang anak habang tuwang-tuwang tinitignan nina Robin at Mariel ang bata.

Panay ang dialogue ni Mariel na aliw na aliw kay Alas nang ngumiti ito, “Oh my God, he’s smiling!! Oh, my god!”

Maya-maya ay makikitang maingat na kinukuha ni Robin si Alas kay Kylie habang sumasambit ito ng dasal at saka kinarga nito si Alas na patuloy sa kanyang prayer.

Sa nakikitang eksena, biglang napaluha si Kylie sa kaligyahan. Nagsasalita naman sa background ang dating TV host ng “ohh, she’s crying, “ habang nakangiti.

Lumapit ang lumuluha pa ring si Kylie. Niyakap ang ang ama at si Alas, at saka masuyo itong humalik kay Robin.

Ilang segundo lang tumagal ang video pero parang nakapanood ka nang isang buong dramatic scene sa isang pelikula dahil sa pagkikitang ito ng mag-ama.

Ipinagpasalamat ni Robin ang pagtatagpong nilang ito ni Kylie at ng apo niya, pati na ang effort ng asawa niyang si Mariel at ng business manager niyang si Betchay Vidanes na mabigyan siya nang sorpresa nong hapong yun. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?