191

Dec 23, 2017 @ 19:40
By

Kylie, emosyonal tuwing magkasama sina Robin at baby Alas

Nadadalas ang pagkikita nina Robin Padilla at ng kanyang apo sa anak na si Kylie Padilla.

Noong nakaraang linggo lang karga-karga ni Robin si Alas sa isang church wedding ceremony ng pareho nilang kaibigan ni Kylie.

Ngayon naman ay nasa bahay na nila ni Mariel Padilla ang baby na makikita sa Instagram post ni Mariel.

Sa photo, masisilip na nasa playpen si Alas na tuwang-tuwa sa dami ng mga nakikita niyang stuffed toys.

Nakaharap ito sa kamera habang nakadapa at nakangiti pa, tanda na nag-e-enjoy ang bata.

@marieltpadilla, “The most adorable houseguest @officialalasjoaquin.”

Sinabi ni Mariel sa comment niya mula sa favorable reaction ng followings nito na napaka-guwapo ni Alas.

Hindi naman ito kaduda-duda dahil cute at guwapo naman ang bata.

Mula nang magkita sina Alas at Robin sa 1st birthday ng anak nila ni Mariel na si Isabella, naging madalas na ang pagkikita ng mag-lolo.

Dinala ni Kylie ang anak sa birthday para lang makita na ito ng ama niyang si Robin.

Naging emotional si Kylie sa kaligayahan sa nakikita niyang pagtanggap at katuwaan sa daddy niya habang kinakarga nito ang bata.

Kulang na lang nga ay ang paghaharap nina Robin at Aljur mismo para masabing ‘okey’ na ang lahat sa magkabilang panig.

Ang nais lang naman ni Robin gaya ng madalas niyang ipaliwanag, ang makita niyang ikinasal o kasal na sina Kylie at Aljur.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?