39

Jan 6, 2022 @ 13:42
By

Kyle Lowry pinasa bola sa ref, ejected agad

Tinawagan ng technical foul at nauwi sa ejection ang simpleng pag-pasa ni Kyle Lowry ng bola sa referee sa kanilang laro laban sa Portland Trail Blazers ngayong Huwebes.

Sa second quarter ng kanilang laban, tinawagan si Lowry ng loose ball foul kaya naman mauuwi ito sa isang freethrow para sa Portland.

Kaya naman, dahil hawak niya ang bola, pinasa ito ni Lowry sa referee.

Ngunit nagulat ang lahat – maging mga commentator – nang tawagan bigla si Lowry ng technical foul.

Ang masama nito, ‘yun na ang ikalawang technical ng Miami Heat guard dahilan para ma-eject ito sa naturang laban.

Kumalat ang video ng pagka-eject kay Lowry sa social media at ipinagtaka ito ng marami.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?