53

Nov 28, 2021 @ 12:37
By

Kyle, Francine muling kinakiligan

Kahit dinamdam ng tagasuporta ni Kyle Echarri ang paglabas nito sa PBB house, hindi naman maiwasang magdiwang ng KyCine fans dahil sa maari nang magkita ang kanilang idolo.

Trending ngayon sa Twitter ang tambalang Kyle at Francine Diaz dahil inaasahan ng kanilang fans na muling magpapakilig ang dalawa.

Humakot ng 14.8k tweets ang KyCine TodoAngFUNsaASAP kalakip ang ilang larawan ng dalawa.

Unang kinagiliwan ang tambalan noong mapanood sila sa hit teleserye na “Kadenang Ginto” kasama ang dalawa pang loveteam, ang magkasintahan na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

(Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?