23

Sep 23, 2020 @ 15:13
By

Kyle Echarri sa mga basher: Good luck sa future n’yo

“Hindi po ako chickboy.”

Ito ang unang gustong linawin ni Kyle Echarri sa online conference ng kanyang bagong kanta na “I’m Serious”.

“Hindi po ako chickboy. I think that is one thing that I really need to address. ‘Yun po talaga. Hindi po ako chickboy,” bigkas ng singer-actor kahapon.

“I know a lot of people have made assumptions on me. A lot of people don’t like me because of a certain thing. Pero I don’t like spreading negativity,” aniya pa.

Samantala, may mensahe rin siya para sa kanyang mga kritiko.

“Good luck na lang po sa lahat ng namba-bash sa akin… good luck sa future n’yo,” sey ni Kyle.

“I know that that’s all just coming from whatever you guys want to do, pero ako, I know who I am as a person and masaya po ako roon,” sambit niya pa.

Maririnig na ang “I’m Serious” sa iba’t ibang digital streaming platform.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: