38

Nov 27, 2021 @ 22:44
By

Kyle Echarri ika-4 na evictee sa Bahay ni Kuya

Si Kyle Echarri ang huling evictee mula sa Bahay ni Kuya sa ginaganap na “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.”

Nakakuha lamang si Echarri ng 22.25% na pinagsamang save at evict votes.

Samantala, ligtas ang iba pang nominado na sina Anji Salvacion (30.03%), at Alexa Ilacad (27.98%).

“Dito nakahanap ka ng panibagong pamilya at mga alaalang magiging bahagi na ng iyong buhay. Nais kong baunin mo ang lahat ng ito sa iyong paglabas,” mensahe ni Kuya kay Kyle bago siya lumabas ng bahay.

Matatandaang naging matunog sa outside world si Kyle matapos siyang inomina ng kapwa housemate na si Samantha Bernardo dahil hindi raw ito tumutulong sa gawaing-bahay kahit tinuruan na niya itong magsaing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?