72

Jul 16, 2021 @ 15:38
By

Kyla muling nakunan

Sa ikatlong pagkakataon ay muling dumanas ng miscarriage si R&B singer Kyla Alvarez.

Inanunsyo ni Kyla ang nakalulungkot na balita sa kanyang Instagram, July 16.

“My heart is broken in levels deeper than you may ever have imagined,” sey niya.

“Our little angel, please watch over me, your Daddy, and Kuya Toby. Send our hugs and kisses to your 2 siblings in heaven. We love you, our Millie,” patuloy niya.

Si Kyla, 40, ay asawa ni basketball player Rich Alvarez. Ikinasal sila taong 2011.

May isa na silang anak, si Toby, na isinilang noong 2013.

Unang nakunan si Kyla noong March 2018 at sumunod noong November 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,