9

Oct 19, 2020 @ 13:55
By

Kwentong Pinay bida sa sinehan sa US

Pinapalabas na sa higit 900 sinehan sa Amerika ang musical drama film na “Yellow Rose”.

Sabi ni writer-director Diane Paragas sa CNN Philippines, Lunes, ito’y kuwento ng isang undocumented Filipina na naninirahan sa Texas.

Sa pelikula, susundan ang hangad ni Rose Garcia, 17, na mamayagpag sa country music kahit na binabantaan siyang ide-deport ng Immigration authorities at mahihiwalay sa kanyang pamilya.

“It took a long time for Hollywood to catch up with this story. I was pretty uncompromising about wanting this to be a Filipino story,” ani Paragas sa ulat.

“Many times, over the years, people had offered to finance the movie if I had changed the characters into a different race. And I just wouldn’t,” dagdag niya.

Bukod kay Eva Noblezada na gumanap bilang si Rose, bumida rin sa palabas sina Lea Salonga at Princess Punzalan.

Samantala, wala pang tinutukoy na petsa kung kailan mapanonood sa Pilipinas ang “Yellow Rose.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?