56

Feb 16, 2020 @ 9:57
By

Kwekuteye pinaamo ang Growling Tigers

Sa bangis ng 14 points, tig-7 rebounds at assists, at 4 steals ni James Canlas-Kwekuteye, binulaga ng San Beda Red Lions ang Sto. Tomas Growling Tigers, 77-68, sa final day ng 2019 PCCL: UAAP-NCAA Challenge quarterfinals, Sabado ng hapon sa Filoil Flying V Centre.

Pero ang huling apat na puntos ni Peter Alfaro tungo sa pag-agapay niya ng 13 markers at boards ang sumelyo sa 2-1 win-loss record ng Beda para makaabot sa semifinals.

Nakaayuda pa si Ralph Penuela ng 11 pts. at 5 asts. para sa Lions sa salpukan ng mga naka-silver medal sa nakaraang taong NCAA (SBU) at Uste (UAAP).

“I thank my guys for stepping up our game today,” suma ni ni SBU head Teodorico Fernandez III. “Last week, we were under the weather. We were trying to rest everyone just trying to get some preventive measures.”

“Buti na lang coming into today, everyone was healthy. We came out and everyone went to play very well,” wakas niya.

Walang bisa ang game-high 21 pts. at 9 rebs. ni UST star CJ Cansino sa namaalam na sa ligang Uste.

Ang iskor:

SBU 77 — Canlas 14, Alfaro 13, Penuela 11, Carino 10, Etrata 7, Oftana 6, Villejo 6, Visser 4, Ejercito 3, Abuda 2, Bahio 1, Fornis 0, Cuntapay 0.

UST 68 — Cansino 21, Paraiso 12, Concepcion 10, Nonoy 9, Chabi Yo 6, Manaytay 4, Asuncion 3, Cuajao 2, Manalang 1, Bataller 0, Ando 0, Pangilinan 0.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?