183

Oct 16, 2019 @ 11:49
By

Kwarta ni Manny Villar sumirit, Cynthia nabawasan

Baligtad ang naging eksena pagdating sa salapi ng mag-asawang Villar ngayong taon.

Tatlong linggo matapos ibalita ng Forbes na tumaas nang higit $1 bilyon ang net worth ni dating Senate President Manny Villar, nasilip naman sa bagong labas na statements of assets, liabilities and net worth (SALN) na bumaba ang sa misis nitong si Senadora Cynthia Villar.

Pumangalawa si Manny sa pinakamayayamang Pinoy ngayong 2019 na may net worth na $6.6 bilyon o higit P341 bilyon. Kumpara ito sa $5 bilyon niyang net worth noong Setyembre 2018.

Samantala, nanguna naman sa pinakamayayamang senador ang asawa nitong si Cynthia, na may dineklarang net worth na P3.5 bilyon noong Hunyo 2019. Bumaba ito nang P185 milyon kumpara sa kanyang P3.7 bilyong net worth noong 2018.

Sinundan si Cynthia ni Fighting Senator Manny Pacquiao na may net worth na P3 bilyon at Senador Ralph Recto na may higit P555 milyon, kapwa noong Disyembre 2018.

Heto ang buong listahan ng SALN report ng mga senador sa 18th Congress:

1) Cynthia Villar – P3.534 billion
2) Manny Pacquiao – P3.005 billion
3) Ralph Recto – P555.324 million
4) Migz Zubiri – P182.851 million
5) Bong Revilla – P164.203 million
6) Sonny Angara – P139.026 million
7) Franklin Drilon – P97.726 million
8) Win Gatchalian – P96.210 million
9) Grace Poe – P95.693 million
10) Pia Cayetano – P82.308 million
11) Dick Gordon – P71.285 million
12) Tito Sotto – P70.12 million
13) Lito Lapid – P69.91 million
14) Francis Tolentino – P62.482 million
15) Nancy Binay – P59.911 million
16) Ping Lacson – P42.442 million
17) Imee Marcos P29.97 million
18) Koko Pimentel – P29.934 million
19) Bato dela Rosa – P28.258 million
20) Joel Villanueva – P26.921 million
21) Kiko Pangilinan – P16.695 million
22) Risa Hontiveros P15.627 million
23) Bong Go – P15.508 million
24) Leila de Lima P7.706 million

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?