54

Jan 9, 2022 @ 18:44
By

Kwarta, alahas ni ASec. Libiran nilimas ng katulong

Nagpaalam lang para bumili ng sibuyas at bawang ngunit ‘di na bumalik ang katulong ni Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran dahil tinangay na pala nito ang kanyang mga pera at alahas.

Gigil si Libiran sa kanyang Facebook post nitong Sabado upang ipag-bigay alam ang pangalan ng kanyang katulong na si Marilou Fernandez, 55-anyos.

Kwento ni Libiran, nagpaturok lamang siya ng booster shot ngunit pagbalik niya ay nagtaka siya nang wala na ang kanyang mga pera at alahas.

“Iba ka, Manang. Nagmalasakit pa akong ipagamot ka kahapon dahil sa sakit mo, tapos ganito lang gagawin mo sa pamilya ko? Ibang klase ka,” wika ng assistant secretary.

Kinontak na rin umano niya ang Southmaids Agency kung saan niya nakuha si Fernandez.

Nanawagan na rin si Libiran sa mga nakakakilala sa katulong na ipag-bigay alam ito sa kanya.

“According to her profile, her current address is at Jenny’s Ave., Rosario, Pasig City. Her provincial address is in Mangaldan, Pangasinan,” saad pa ni Libiran.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?