40

Kwang Soo ng ‘Running Man’, may dyowa na!

Ang Running Man mainstay na si Lee Kwang Soo at South Korean actress na si Lee Sun Bin ay ‘officially dating’ na!

Inamin ng King Kong by Starship, ahensya ni Kwang Soo, na magkarelasyon ang dalawa ng halos 5 buwan na.

Dagdag pa nila, matapos magkakilala ng dalawa sa variety show na ‘Running Man’, naging lovers at madalas na sinasamahan ang isa’t isa sa iba’t ibang pagdiriwang at ipinapakilala ang isa’t isa bilang karelasyon.

Nag-guest si Lee Sun Bin sa Running Man noong 2016 at inaming interasado sa aktor.

Tuwang-tuwa ang mga fans sa naging anunsyo tungkol sa aktor at inaasahang maging mas matatag pa ang dalawa.

Pagbati sa masayang couple! (Sarah Rivere)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?