187

Dec 28, 2020 @ 21:48
By

Kuzma, nobya naglampungan

Napuno ng matatamis na larawan ang social media account ni Los Angeles Lakers star Kyle Kuzma at nobyang supermodel na si Winnie Harlow.

Nakakandong si Harlow kay Kuzma habang nagtutukaan ang magdyowa.

Ani Harlow sa kanyang post Linggo, “First Kuzmas.”

Sa instagram story naman ni Kuzma, ibinahagi niya ang post ng kasintahan na nagkaroon na ng sariling bahay sa unang pagkakataon.

Proud boyfriend moment ang National Basketball Association (NBA) sa achievement ng girlfriend model. (Sarah Jireh Asido)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?