22

Oct 5, 2020 @ 18:07
By

Kuzma dinedma si Davis

Trending ngayon sa social media ang pandededma ni Kyle Kuzma kay Anthony Davis.

Nangyari ito sa Game 3 ng tapatan ng Los Angeles Lakers at Miami Heat kung saan nanalo ang huli, 115-104.

Habang pabalik si Kuzma sa bench ng Lakers, naka-abang si Davis at iha-high five sana si Kuzma dahil sa magandang nilalaro nito.

Ang ending, dinaanan lang ni Kuzma si Davis, napangiti na lang ang huli at siya na lang ang tumapik sa sariling niyang kamay.

Komento ng fans, eto na raw ang dahilan para mawala sa team si Kuzma.

Ani @CountOn24, “Kuzma gonna get traded after this.”

Hirit naman ni @thegoatchapo, “he did that on purpose he remembered how they ain’t pick him up when he fell last game.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?