72
Kuzma binasag ang record ni Bryant
Feb 16, 2019 @ 15:04
By

Kuzma binasag ang record ni Bryant

Kahit sa isang gabi lang, napatunayan ni Kyle Kuzma na kaya niyang mahilera, o mahigitan pa, ang Los Angeles Lakers legend na si Kobe Bryant.

Sa naging laban ng Team USA kontra Team World sa NBA Rising Stars Challenge, nagpakitang-gilas ang Lakers sophomore na sumiklab ng 35 puntos para pangunahan ang USA sa panalo, 166-144.

Dahil sa scoring performance, kanyang naungusan si Bryant para sa may most point scored na Lakers player sa Rising Star challenge, ang dating record ni Bryant ay nakatarak sa 31 puntos.

Bukod pa sa record-breaking performance, nasungkit din ni Kuzma ang MVP award para sa nasabing exhibition game kontra sa koponang binubuo ng ilang top prospect tulad nina Ben Simmons at Luka Doncic.

“I’m just kind of using this game for my conditioning,” ayon kay Kuzma. “I’m just trying to keep running and win MVP too.”

Bukod sa kagustuhang makopo ang MVP trophy, sariwa pa rin sa alaala ni Kuzma ang pagkatalo ng Team USA sa Team World noong nakaraang taon, 155-124.

“Last year, the World Team kicked our butts. They came in here and beat us by 30, and a lot of us remembered that, and it’s a $25,000 bonus for winning the game, so that’s good,” pabirong lahad ng Lakers player.

Bukod sa Rising Star Challenge, sali rin ang 23-anyos na athlete sa NBA Skills Challenge ngayong araw kontra naman kina rookie Doncic, Trae Young, mga kapwa sophomore Jayson Tatum, De’Aaron Fox, at mga beteranong sina Mike Conley, Nikola Vucevic at Nikola Jokic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?