49
Kuzma binalikat ang Team USA kontra Team World
Feb 16, 2019 @ 14:59
By

Kuzma binalikat ang Team USA kontra Team World

Nilampaso ng Team USA ang Team World, 161-144, sa pagbubukas ng All-Star Weekend Biyernes ng gabi (Sabado sa PH) sa Spectrum Center.

Pinangalanang MVP of the game si Lakers guard Kyle Kuzma matapos magtala ng game-high 35 points at six rebounds.

Inayudahan siya ni Celtics forward Jayson Tatum sa 30 puntos para sa Team USA.

Sa final minute, nagsimula nang magkaroon ng mini dunk contest ang magkabilang koponan.

Magpapatuloy ang All-Star Weekend bukas (Feb. 17) kung saan tampok ang Three-Point Contest, Skills Challenge at Slam Dunk contest.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?