41

Sep 15, 2020 @ 16:57

Kuzma bebot ang inaatupag

NAGHIHINTAY pa ng makakaharap sa Western Conference Finals ang Los Angeles Lakers.

Kaya naman ang forward na si Kyle Kuzma, ang dyowa munang si Victoria Secret model Winnie Harlow ang inaatupag.

Bakbakan pa ngayong araw sa Game 7 ang Los Angeles Clippers at Denver Nuggets kaya ang Lakers, may panahon pa para magrelaks.

Hini nagpahuli si Kyle.

Sa larawang ipinost ni Kuzma sa Instagram ay makikitang nakakandong pa sa kanya si Harlow.

“Bubble date starring @winnieharlow,” caption ni Kuzma, umani naman agad ng maraming likes ang naturang post.

Ang magwawagi sa pagitan ng Clippers at Nuggets ang haharapin ng Lakers sa best-of-seven Western Conference Finals. (Sarah Jireh Asido)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?