18

Aug 20, 2021 @ 11:06
By

Kuya Wil dinala show sa Puerto Galera

Tila sinilaban ang pwet ni TV host Willie Revillame.

Matapos kasi niyang dalhin ang kanyang programa na “Wowowin-Tutok to Win” sa Clark International Airport sa Pampanga, binalik naman niya muli ito sa Puerto Galera kung saan una niya nang idinaos ang show noong nakaraang taon.

Paglilinaw niya, dumaan siya at ang kanyang production team sa tamang proseso para payagan ng pamahalaan na mag-show sa gitna ng pademya.

“Lahat po ito bago ako magdesisyon, gumagawa po muna kami ng paraan, nakikipag-usap po ako sa pamahalaan, sa ating gobyerno,” ani Willie.

“Sasabihin ‘Bakit pinapayagan?’ Hindi po. Dumaan po kami sa protocols at lahat po kami, nag-RT-PCR at awa ng Diyos, thank you Lord, kami ni Direk Randy, negative naman kami,” pagpapatuloy niya.

Dahil dito, gaganapin na ang naturang show sa kanyang private resort sa bayan ng Palangan ng naturang isla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?