71

Oct 6, 2021 @ 13:48
By

Kuya Kim ‘tumalon’ sa GMA para kay Alden

Ibinunyag ni Kuya Kim Atienza na isa si Alden Richards sa dahilan kung bakit niya tinalikuran ang pagiging Kapamilya.

Kwento ng Matanglawin host, nanghingi kasi siya ng tips at guidance sa mga kaibigan niya noong pinag-iisipan pa niyang lumipat ng GMA.

Habang nag-uusap, bigla umanong may lumitaw na mestizong may dimples.

“While we were discussing my move to GMA-7, someone calls my name then I look. He was wearing a mask — he came from the gym upstairs. It was Alden Richards,” ani Kuya Kim

“Sabi nung dalawang kasama ko, ‘Kim, ‘di ba sign ‘yon? Pinag-uusapan natin GMA and then bumaba si Alden.’ Sabi ko, ‘Oo nga,’” pagpapatuloy niya.

Sambit niya, matapos ang ilang minuto ay tinawagan din siya ng kanyang kumpadre na si GMA Vice President for Corporate Affairs and Communications Angel Javier Cruz.

Bukod pa rito, nagkaroon din sila ng phone call ni GMA Films president Annette Gozon Valdes sa kaparehong araw.

Sabi ko, “‘Lord, yung signs na binigay mo, ang linaw,’” sey ni Kuya kim.

Nito lamang Lunes nang pormal nang salubungin ng Siyete si Kuya Kim. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?