239

Nov 14, 2021 @ 19:16
By

Kuya Kim sinakyan rason ni Bato sa pag-atras

Sinakyan na lamang ni Kim Atienza ang naging rason ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa pagbawi nito ng kanyang presidential bid nitong Sabado.

Matatandaang binawi ni Dela Rosa ang nakahain niyang certificate of candidacy sa pagkapangulo.

Nang tanungin sa kanyang dahilan, ang sagot ng mambabatas: ‘I am withdrawing because I am withdrawing.’

Umani ng negatibong reaksyon sa mga netizen ang sagot na ito ni Dela Rosa, ngunit ‘di na lamang ito sineryoso ni Atienza.

“Oo nga naman. Life is simple. Back to you guys,” saad sa komento ni Kuya Kim sa isang post tungkol sa naturang statement ni Dela Rosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: