53

Oct 30, 2020 @ 12:30
By

Kuya Kim pinutakti ng mga basher

Kinuyog si “It’s Showtime” host Kim Atienza dahil sa reply nito tungkol sa relasyon ng celebrity stylist na si Liz Uy.

Hindi nagustuhan ng madla ang sagot niya nang mag-call out sa kanya ang isang netizen matapos batiin si Uy sa engagement sa negosyanteng si Raymond Racaza.

“Wtf kuya kim??? @kuyakim_atienza Really??? You support infidelity??? Why on earth people supporting Liz Uy and RaymondRacaza on this bullshit huhuhuhu poor,” sabi ng netizen na si @jumpintotheA.

Sinagot iyon ni Atienza ng, “Ohh i don’t support adultery but I love @lizzzuy and Raymond. I even love you. We are all sinners.”

Reaksyon ng ilang netizen:

@ninetynineggg: “HAHAHAHA OMG… the irony. We are all sinners, but tolerating adultery??? Give me some facts about adultery, kuya kim.”

@notthatsassylei: “We are all sinners yes but im not gonna use it as a reason to ruin someone else’s family. Ewe. Ang kabet ay kabet pa rin and she knows what she’s doing kaya tumigil ka kuya kim.”

Hindi nilulubayan ng mga basher si Uy dahil kasal pa umano ang ama ng anak niya sa isang doktora.

Sa ulat, sinabi diumano ni Uy na annulled na ang negosyante sa misis nitong doktora na itinanggi ng kampo ng huli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,