181

Sep 9, 2021 @ 18:17
By

Kuya Kim pinayuhan si Paolo sa pambababae

Pinayuhan ni Kim Atienza o Kuya Kim si Paolo Contis matapos aminin ang ilang taong pagtataksil kay LJ Reyes.

Sa Instagram post niya kagabi, humingi ng sorry si Paolo kay LJ pati na sa anak nilang si Summer at anak-anakan niyang si Aki.

Humingi rin siya ng paumanhin sa kanyang mommy, sa dating asawang si Lian Paz at mga anak nila, pati na rin sa sinasabing third party na si Yen Santos.

Kinumpirma rin niyang sila ni Yen ang nasa viral photo na magkasama sa Baguio matapos umalis patungong Amerika si LJ.

Pero aniya, nagpunta raw sa Baguio si Yen bilang kaibigan.

Sa pagkakamali ng aktor, sinabi ni Kuya Kim na may panahon pa si Paolo para bumawi.

“Lahat nagkakamali pao. We just have to make up for our mistakes. May panahon pa. The kids are young,” comment niya sa post ni Paolo, na sinang-ayunan ng ilang netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?